Hontiveros, kasalukuyan daw nakakatanggap ngayon ng banta sa kanyang buhay kasunod pagkamatay ng vlogger na si Mima Alicia

Mariin na kinondena ni Senadora Risa Hontiveros sa kanyang post sa social media ang tuloy tuloy na death threats at pro-killing comments na naglipana online kasunod ng naging pagkamatay ng vlogger na si Mima Alicia.

Ayon kay Hontiveros, imbis na makiramay ang mga ito ay may ilan pa ang nagdiriwang sa gitna ng kamatayan habang ang ilan ay nag-uudyok pa ng karahasan.

Sa ngayon, isiniwalat naman ng senadora na nakakatanggap siya ng maraming tahasang pagbabanta sa kanya na siya na raw ang susunod.

Which Philippine senator condemned the online threats mentioned in the article?

Kaugnay ng bantang ito, sinabi ni Hontiveros na naisumite na niya sa National Bureau of Investigation ang pangalan at maging screenshots ng mga social media users na gumamit ng pambabanta sa kanya.

Nanawagan naman din siya sa social media platforms at maging law enforcement agency na desisyunan agad ang kultura ng ‘impunity’ o kawalang parusa online.

Tumuklas pa

Ayon sa senadora, hindi dapat maging normal ang pagbabanta sa buhay ng bawat isa kahit gaano man kalalim ang pagkakaiba sa pulitika.

See also  PESO IS LOW BECAUSE BBM IS HIGH? NAGKA UTAL UTAL SI ANTE KLER SA TANONG NI IVAN NG GMA

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© 2026 myphamqueenieskin | All rights reserved